PAGBABAGO (Spoken Poetry) - Bro. Jayfee Aldama
- GSBC of SANE, Inc.
- Aug 23, 2021
- 1 min read
Hindi ko alam kung paano sisimulan ‘to,
Pero isa lamang ang alam ko,
Simula nang makilala ko si Kristo,
Malaki ang pinagbago ko.
Yung batang sakit ng ulo,
Natutong gumalang at rumepesto,
Yung dating basagulero,
Natutong magpakumbaba at magpakatao.
Lahat ng mga bisyo ay naiwasan ko,
Pag-inom ng alak ay tinigilan ko,
Lahat nang ito’y dahil kay Kristo,
Dahil nilinis Niya ang puso't isip ko.
Mga kasalanan ay iniwasan,
Paggawa nito’y aking tinigilan,
Sapagkat ngayo’y aking nang nalalaman,
Kabayaran ng kasalana’y kamatayan.
Kaya huwag nating kalimutan,
Tayo ang dahilan ng Kaniyang kamatayan,
Dahil sa ating mga kasalanan,
Krus ang kanyang naging huling hantungan.
Pagbabago, iyan ang nakamtan ko,
Dahil sa Kaniyang mga dugo at sakripisyo,
Pagbabago na ang dahilan ay si Kristo,
Pagbabago dahil sa pagmamahal ng Panginoon ko.

Comments