top of page

Life's Testimony of Bro. Jay Velarde

  • Writer: GSBC of SANE, Inc.
    GSBC of SANE, Inc.
  • Aug 23, 2021
  • 1 min read

“Ako si Jay Velarde at nais ko ibahagi ang aking patotoo tungkol sa paggawa ng Panginoon sa aking buhay at kung paano niya ako binago. Dati, ako ay isang tao na hindi palasimba o palasamba. Wala ito sa aking puso at isip. Tuwing linggo, wala akong panahon para dumalo sa church at sa mga Bible Study bagkus ako ay laging umaalis at sumasama sa aking mga kaibigan para gawin ang aming mga bisyo at mga kinagawian. Lagi kong kasama ang aking mga kabarkada sa mga gawaing hindi maganda. Madalas din akong umuuwi ng madaling araw galing sa kanila. Lugmok ako sa mga gawain na iyon. Sakit ng ulo ako ng aking mga magulang dahil dito. Nasira ang aking buhay dahil sa pagaaksaya ko ng aking panahon sa mga bisyo ko.


Ngunit hindi talaga natin alam ang maaaring gawin sa atin ng Panginoon. Napakabuti Niya dahil hindi Niya ako hinayaan na manatili sa ganoong klaseng mga gawain. Napakadakila Niya dahil simula nang naging isa akong mananampalataya, ay natuto akong mamuhay sa Kaniyang kalooban. Binago Niya ako at ngayon, ako ay naglilingkod na sa Kaniya. Tunay ngang napakabuti ng ating Panginoon. Salamat sa biyaya ng kaligtasan na mula sa Kaniya.”




 
 
 

Comments


Post: Blog2 Post

Great Shepherd Baptist Church of San Antonio, Nueva Ecija, Inc.


Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook

©2021 by Great Shepherd Baptist Church of San Antonio, Nueva Ecija, Inc. Proudly created with Wix.com

bottom of page