Life's Testimony of Sis. Angela Cunanan
- GSBC of SANE, Inc.
- Aug 23, 2021
- 2 min read
“Ako po si Angela Bhea Cunanan. I was baptized last December 8, 2020. Nagsimula po itong lahat nang nakilala ko sila Pastor Sa Julo, San Antonio, isa sa Bible Study area nila ay iyong sa mga Tito ko. Umuuwi ako ng Julo nang mga panahong iyon pero ako ay nakatira sa San Mariano. Pero alam kong kasama itong lahat sa plano ng Panginoon sa aking buhay. Ang church nila Pastor is walking distance lang pala from our house sa San Mariano. Doon nagsimula ang pag-attend attend ko church at at sobrang bait ng mga tao kaya naman nagustuhan ko agad hanggang sa nag sunod-sunod na. Hanggang sa isang Sunday ay tumanggap ako sa Panginoon at ito ay nangyari nitong October 18, 2020. Isang beses, tinawagan ako ni Pastor at tinanong niya ako kung gusto ko na bang magpabautismo at sumagot ako ng bukal sa loob ko na pumapayag ako na sumunod sa tubig ng bautismo. Kahit di ko alam o hindi ako sigurado kung ano ba ang mga mangyayari pagkatapos ay pinili kong magtiwala sa Panginoon. Lumipas ang mga panahon at dumating na ang araw ng pagbabautismo. Nang ako ay mabautismuhan, sobang saya ko nung mga oras na yon at nagpatuloy pa ito. Hindi maiaalis ang kalituhan ko sa ilang mga bagay kaya naman nagtanong ako at dito ko nalaman ang katotohanan. Dail baptized na ako, I’m considered a Baptist na din. Hanggang sa patagal na ng patagal ang dating malabo unti-unting a, unti-unti kong nakikita ang purpose ng Panginoon sa aking buhay. Napatunayan ko na ito ang pinaka maganda at tamang desisyon na ginawa ko buong sa tanang buhay ko at ang sumunod naman ay ang magtiwala sa mga plano Niya at magpagamit sa Panginoon. Sa kasalukuyan, patuloy akong sinusubok ng mundo binubugbog ng problema ngunit alam kong may Diyos ako na nagproprotekta at humahawak ng buhay ko. Sobrang thankful ko na lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon na masasakit at ang mga problema na dumadating, ibinigay sila sa akin nang ako ay isa nang mananampalataya. Ang lahat ng ‘yon ay nagparealize sa akin na sobrang nakakapagpala pala na nasa Panginoon ka. Sobrang sarap na malaman mo na ginagamit ka ng Panginoon para sa Kaniyang kapurihan at alam mo sa sarili mo na lahat ng nangyayari sa buhay mo ay may dahilan ang Panginoon at ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala, isapamuhay ang kaniyang salita at pagtiwalaan Siya.”

Comments