Life's Testimony of Bro. Jayfee Aldama
- GSBC of SANE, Inc.
- Aug 23, 2021
- 1 min read
“Una ay nais kong pasalamatan ang Panginoon dahil nakilala ko Siya at dahil sa Kaniya ay natuto akong magpakumbaba at rumespeto. Ako kasi ang tipo ng bata na sakit ng ulo ng magulang na sa tuwing uutusan ako palagi akong may reklamo. Minsan, kapag ako ay inutusan, patalikod akong bubulong at magrereklamo. Ngunit, dahil sa Pamginoon, lahat nang ‘yon ay naiiwasan ko na. Na kahit minsan ay nagagawa ko pa din ay hindi na ito kasinglala ng dati kahit. Ngayon din, ay wala na akong bisyo. Itinama ng Panginoon ang aking likong buhay. Malaki din ang pasasalamat ko kay Ate Joan (Sister Joan Aldama) dahil hindi siya napagod na kulitin ako para sumama sa sambahan. Na kahit ilang beses akong tumanggi at nagtago para lang hindi makasama ay hindi pa rin siya pinasuko ng Panginoon na ako ay tuluyang maaya sa church. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil mayroon akong pastor na napakabait at napakatiyaga. Hindi siya nagsawa kaya salamat sa buhay ng Pastor namin. Nais ko ding pasalamatan ang Panginoon dahul kahit tinalikuran ko Siya at nagbackslide ako, hndi pa rin Siya nagkulang sa mga biyaya sa pamilya ko at ngayon na ako ay ganap nang isang mananampalataya at ako ay nabautismuhan na, salamat sa Panginoon dahil matapos ang dalawang taon ng pagtatago, ngayon ay isa na akong Kristiyano at anak ng Diyos. Lahat ng papuri at pasasalamat ay ibinabalik ko sa aking Panginoon.”

Comments