Life's Testimony of Bro. Emmanuel Velarde
- GSBC of SANE, Inc.
- Aug 23, 2021
- 2 min read
“Narito po ang aking patotoo. Ako si Emannuel Velarde at ako ay isang bagong mananampalataya. Ako po yung taong sobrang sakit ng ulo ng magulang ko. Ako ang naging sakit nang ulo nila. Una, gagawa muna ako sa bahay at kahit umagang-umaga ay gagayak na ako para lumabas nang bahay. Inaabot ako nang hating gabi sa lansangan para lamang gawin ko ang mga bisyo ko at ang iba pang bagay na hindi nakalulugod sa harap ng Panginoon. Gabi-gabi akong inaabangan ng aking ama at hindi siya natutulog hangga’t hindi ako umuuwi. Palagi akong nasesermonan at naparurusahan ng aking mga magulang dahil sa aking mga gawain. Gayumpaman, akin pa ding ipinagpatuloy ang aking mga ginagawa. Ngunit, dumating ang isang araw na ako ay napaisip, kung bakit ako ganito at dumating ako sa punto ng aking buhay na nagkaganito ako. Kaya naman isang araw, ako ay nanalangin sa Panginoon. Tinatanong ko ang Panginoon kung bakit ako ganitong tao at kalaunan ay humingi na din ako ng tulong sa Kaniya upang malagpasan at ma-overcome ko itong lahat. Nais ko nang iwan ang aking dating sarili Hanggang sa kinabukasan, biglang nag-chat si Kuya (Preacher Adel Paner) sa akin. Ang una ko pang inisip ay baka kako magpapatulong na magtulak ng Mini-Jeepney pero ‘yun pala ay ang simula ng pag-imbita niya sa akin sa church sa GSBC. Sobrang nagpapasalamat pa rin ako kay Lord sa buhay ni Kuya Adel dahil siya ang ginamit ng Panginoon para ako ay tuluyang makakilala sa Kaniya. Gayundin din, sobra din ang aking pasasalamat kay Pastor at sa mga buhay ng aking kapatid sa pananampalataya. Kung hindi ko nakilala ang Panginoon ay malamang ay mananatili pa rin ako sa pagiging isang sakit ng ulo ng aking mga magulang. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord dahil lahat nang mga bisyo o mga gawain kong hndi naayon sa kaniyang kalooban ay naalis na at papuri sa Kaniya dahil sa pagkawala ng aking bisyo. Patunay lamang ito na kahit sino ka pa ay kayang kaya kang baguhin ng Panginoon. Hindi ikaw o kahit sinong tao, kundi ang Panginoon lamang ang makapagbabago sa iyo at pinasasalamatan at pinapupurihan ko Siya dahil doon.”

コメント